Unang una ako ay isang Tomasino. Andun ako nun championship run ng UST noong Season 69. kung saan pinataob ng mga Tigre ang mga Agila. Napanood ata ng buong tropa namin ang halos lahat ng mga games ng UST noon. Simula ng First Round hanggang sa "nafood poisoning"
Halimaw si Jervy Cruz noong mga panahon na iyon. Double Double Monster. Parang UAAP version ni Tim Duncan. kung ano kinulang ni Jervy sa height binawi niya sa utak. Nagaabang ng pasa mula kay Japs Cuan. o kaya nagaabang ng rebound galing sa mga mintis ni June Cortez, Francis Allera o Espirutu. Basta mabigay mo kay Jervy sa shaded lane yun bola sure 2 points na yun. Ilista mo na.
Si Jojo Duncil naman parang gangsta pag naglalaro. Ang haba ng shorts tapos kangkarot pag tumakbo at ang taas ng dribble. Pero lintek naman ang move ni Jojo noon. Pump fake tapos isang dribble tapos tirada na. O di naman kaya eh sasalaksak sa loob para mamingwit ng foul kay Doug Kramer o kaya kay Nkemakolam.
Kaya ngayon pag napapanood ko sa PBA na bench players lang yun dalawang yun. Nanghihinayang lang ako sa talento nun dalawa. Sana magsama ulit sa isang team tong dalawang to. Baka pwede sa Ginebra? :D dun din naman galing si Pido eh.
Oo nga pala. Salamat sa Graduation Gift niyo sa amin noon. :D